4 preso pumuga

CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City – Apat na preso ang iniulat na nakapuga mula sa kanilang selda sa Taal, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa pumuga ay nakilalang sina Honey Lirio, 23, Rony Agnes, 17, Melvin Martinez, 21, na pawang residente ng Barangay Baya Ragay, Camarines Sur at nahaharap sa kasong murder na nakabinbin sa Municipal Trial Court ng San Nicolas, Batangas, samantalang si Mark Anthony De Villa ng Barangay Butong Taal ay nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, ang apat ay nakatiyempong makaakyat sa pader ng Taal municipal police station bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Nalalagay naman sa balag ng alanganin ang mga opisyal ng detention cell sa pagkakapuga ng apat na preso. (Ulat ni Arnel Ozaeta)

Show comments