Dead on the spot matapos magtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Lito Arica, 35, residente sa lugar.
Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Bimbo Regalado, nasa hustong gulang matapos itong mabilis na tumakas.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Celino Javier may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas 7 ng umaga matapos na magkasalubong ang biktima at ang suspek sa Brgy. Bagtas sa nasabing bayan.
Nabatid na ang suspek ay inabandona ng kaniyang misis na sumama sa biktima kayat mula noon ay nagtanim na ng matinding poot ang una sa kalaguyo ng kaniyang asawa kung saan nang magkita ay nauwi sa madugong insidente. (Ulat ni Christina Go-Timbang)