Estudyante hinalay/pinatay ng adik

POLANGUI, Albay – Karumal-dumal na krimen ang sinapit ng isang 16-anyos na estudyante makaraang gahasain ay pinatay pa ng hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa bawal na droga bago itinapon sa liblib na bahagi ng Barangay Buyo sa bayang ito kahapon ng umaga.

May palatandaang pinahirapan muna bago tinodas ang biktimang si Cristine Manda, 3rd year high school at residente ng Barangay Balaba, Polangui, Albay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima kamakalawa habang naglalakad papauwi mula sa eskuwelahan.

Nabahala naman ang mga magulang ng hindi umuwi ang biktima kaya nagpasya silang hanapin hanggang sa matagpuan ang bangkay na walang saplot ang buong katawan na pinalalagay na hinalay bago pinaslang.

May palatandaan din sa kinatagpuan ng bangkay na maraming bakas ng talampakan na pinaniniwalaang hindi lamang nag-iisa ang rapist-killer. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments