1 patay, 5 grabe sa granada

CAMP ADDURO, Tuguegarao City - May posibilidad na pinaglaruan ang granadang sumabog na naging sanhi ng kamatayan ng isang 33-anyos na magsasaka na ikinasugat naman ng limang kaanak nito sa Barangay Lipatan, Sto. Niño Cagayan noong Huwebes. Lasog ang katawan ni David Callo, samantala, malubhang nasugatan sina Pedro Callo Sr., Pedro Callo Jr, Della Callo, Carl Winston Antonio, 4; at Jasmine May Tajada, tatlong taong gulang.

Napag-alaman kay P/ Supt. Reynaldo Sinaon, kasalukuyang nag-iinuman ng alak ang biktimang nasawi kasama ang ilang kamag-anak nang laruin nito ang granada. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang kumalas ang safety pin ng granada saka sumambulat. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments