Aide de camp ni ASG commander Sahiron nalambat;11 MILF sumuko

Zamboanga City – Bumagsak sa mga operatiba ng militar ang isang hinihinalang aide de camp ni Abu Sayyaf Group (ASG) Commander Radulan Sahiron habang pito pang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sumuko sa magkakahiwalay na insidente sa Sulu at Basilan kamakalawa.

Kinilala ang naturang bandido na si Rudymar Bonsing alyas Eudymal Luin na nabitag ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9 sa Brgy. Taglibi, Patikul, Sulu.

Ayon sa report ng AFP-Southcom, si Bonsing ay isa sa mga aktibong kanang kamay ni Sahiron, isang Sulu based ASG Commander na may patong sa ulong P 5 M.

Samantala,, pitong miyembro naman ng MILF ang sumuko sa lalawigan ng Basilan.

Nanguna sa mga sumurender kay Lt. Col. Apolinario Alobba, Commander ng 18th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Camp Uno sa bayan ng Lamitan pagkaraan ng masusing negosasyon si Jun Hasaan, ng 2nd Unit Command ng 198 Basilan Command ng MILF.

Kasama pa sa mga sumuko ay sina Ambang Hassan, Malid Hassan, Karal Hanang, Bariri Hanang, Judang Hassan at Hamid Potong na nagsuko rin ng kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang US M16 rifle, apat na garand rifles, isang M79 grenade launcher , isang carbine rifle at isang caliber. 45 pistol. (Ulat ni Roel Pareño)

Show comments