Hipag kinatay ng bayaw

NUEVA ECIJA – Pinaniniwalaang matinding galit ang umiral kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 18-anyos na misis ng kanyang bayaw, samantala, malubhang nasugatan naman ang mister nito na magkasalong kumakain sa sariling bahay sa Barangay Canaan East, Rizal, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Animo’y kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Marife Macalma, habang ginagamot naman sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital si Roger, Macalma, 37. Tugis ng pulisya ang suspek na si Eduardo Macalma, 35, na tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na biglang pumasok ng bahay ng mag-asawa ang suspek at sunud-sunod na pinagtataga ang dalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments