2 patay, 50 sugatan sa road mishap

POLANGUI, Albay – Dalawang sibilyan ang nasawi, samantala, 50 naman ang nasugatan makaraang masiraan ng makina at mahulog sa bangin ang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Barangay Cotnogan sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Lydia Velasco, 41 at Leopoldo Colina, 43, habang ang mga sugatang pasahero ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan sa Camarines Sur at Albay. Base sa imbestigasyon ng pulisya bumabagtas paitaas ang St. Lawrence Bus Liner (EVG-284) patungong Naga City bandang alas-11:30 ng umaga ng tumigil ang makina na naging sanhi para umatras hanggang sa bumulusok sa bangin na ikinasawi ng dalawa. (Ulat ni Ed Casulla)<

Show comments