Lady pusher tiklo sa shabu

CAMP CRAME – Nalambat ng mga alertong tauhan ng provincial jail ng Vigan, Ilocos Sur ang kilabot na lady pusher matapos na makumpiskahan ng 7.8 gramo ng shabu na itinago sa pitaka papasok ng piitan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Naghihimas ng rehas na bakal si Rowena Pipo, 28, ng Barangay Boquig, Bantay, Vigan, Ilocos Sur. Base sa ulat ng pulisya, ang suspek ay madalas na bumisita sa nasabing bilangguan kaya naghinala na ang mga guwardiya na may modus operandi ang lady pusher. Agad na nagsagawa ng inspeksiyon ang mga guwardiya kay Pipo at nadiskubre ang droga na nakatago sa pitaka na pinaniniwalaang ibinebenta sa mga preso. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments