Inihalintulad ni Sumulong ang sakit ng kanyang asawang si Michelle, 38, sa pelikulang "A Beautiful Minds" na kinatatampukan ni Russell Crowe kung saan ipinakikita ang isang taong naghahalusinasyon. Nabatid na nauna nang ipinasok sa Makati Medical Center si Michelle subalit lumabas ito. Sumunod itong ipinasok sa St. Lukes Hospital at ang pinakahuli ay sa UERM. Ayaw umanong manatili sa "asylum" ng biktima kung kaya iniuwi na lamang ito ng kanyang pamilya.
Nilinaw din ni Sumulong na walang diabetes ang kanyang asawa kundi siya ang nagtataglay ng ganitong sakit.
Inamin din ni Sumulong na nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang asawa kaugnay ng pagpasok nito sa ospital ilang oras bago ang insidente.
Samantala, sa isinagawang paraffin test ay lumabas na negatibo si Sumulong at apat nitong kasama sa bahay.
Hinamon naman ni Sumulong ang nag-iintriga sa kanya sa nangyaring insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)