3 maninikwat nasakote

DAET, Camarines Norte – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang maninikwat ng gamit sa auto shop ang iniulat na nasakote ng pulisya makaraang ibenta ang ninakaw na acytelene gauge sa may-ari na kanilang nilooban sa Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Sonny Sto. Domingo, 20; Ramil Molina, 25 at Marlon Francisco na pawang residente ng Purok 2, Barangay San Isidro ng nasabing bayan, samantala, tinutugis naman ang nakatakas na si Larry Ablao. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments