Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jose Marquita, samantala, ang dalawa sa anim na rebeldeng suspek na inaresto ay nakilalang sina Ronald Lacia at Elvie Halina matapos na magsagawa ng follow-up operation.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame na naitala ang krimen bandang alas-5 ng hapon matapos na harangin ang biktima palabas ng sabungan. (Ulat ni Angie dela Cruz)
Kinilala ng pulisya ang magkaibigang nasawi na sina Kim Labaro, 20, ng Purok 1, Barangay Camambugan at Richie Almaida, 21 ng Purok 2, Barangay Alawihao ng naturang bayan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang dalawa ay lango pa sa alak nang mag-scooter na hiniram lamang ang sasakyan sa kakilalang si James Talento. (Ulat ni Francis Elevado)
Ang biktimang sinamahan ng ina at ilang barangay tanod na magreklamo sa pulisya ay itinago sa pangalang Maui, samantala, ang suspek na hindi naman ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad ay kasalukuyang nagtatago sa hindi nabatid na lugar.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay inabangan habang nag-iisang naglalakad at dinala sa abandonadong bahay bago isinagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Tony Sandoval)
Si SPO1 Francisco Elpa na nakatalaga sa himpilan ng pulisya ng Lacub ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, kritikal naman ang kaanak na si Santiago Elpa.
Hindi pa malaman ng pulisya ang motibo ng pamamaslang dahil walang lumutang na testigo sa naganap na krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)