Pulis patay sa ambush

CAVITE – Tinambangan at napatay ang isang pulis-Cavite ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse patungo sa presinto sa panulukan ng Barangay Banay-Banay at Barangay Tamacan, Amadeo, Cavite kahapon ng umaga.

Tinangayan pa ng dalawang baril ang biktimang si SPO1 Edgardo Leachon, 40, may asawa ng Barangay Halang ng naturang bayan, ayon sa ulat ng pulisya.

Kasalukuyang inaalam ang motibo ng krimen at walang testigo na lumutang para kilalanin ang nagsagawa ng pananambang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments