Kinilala ni Police Chief Inspector Bernardo Baui, hepe ng nasabing bayan ang nag-suicide na si Isabelo Hermoso ng Barangay Aurora West sa bayang nabanggit.
Si Hermoso ay nakulong dahil sa reklamo ng isang 17-anyos na babae na pinaniniwalaang hinalay ng akusado noong Hulyo 27, 2003 matapos na malasing sa pakikipag-inuman ng alak. (Ulat ni Victor P. Martin)
Walang nagawa ang drayber ng trak (WPC-405) na si Renato Clemencia at mga pahinanteng sina Ariel Trinidad, Federico Cabuyabon at Rico dela Cruz kundi ang sumunod sa utos ng mga armadong lalaki, ayon kay P/Chief Insp. Sidney Villaflor, police chief ng naturang bayan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang iparada ng mga biktima ang trak na may lulang biskuwit para magpahinga pero sinamantala naman ng mga mandurugas sakay ng kulay berdeng van. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng kanyang anak ay nakilalang si Felicisimo Aguilar, samantalang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala lamang sa alyas na Joel.
May teorya ang mga imbestigador na sinamantalang natutulog ang biktima saka isinagawa ang pamamaslang dahil nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay na pinaniniwalaang hinalughog ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)