Mag-ama todas dahil sa lupa

CAMARINES SUR – Pinagtulungang itakin hanggang sa mapatay ang mag-amang magsasaka ng kanilang kapitbahay na mag-ama habang ang mga biktima ay naglalakad papauwi kamakalawa ng hapon sa Barangay Buyo, Goa, Camarines Sur.

Ang mga bangkay ng mag-ama na natagpuan ay kinilalang sina Vicente Bono, 48, may asawa at Jose Bono, 22, binata, samantala, ang mga suspek na agad namang sumuko sa pulisya ay nakilalang sina Bonifacio Rodriguez, 56 at Jose Rodriguez, 26, kapwa rin magsasaka ng naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na lupang sinasaka na pinag-aagawan ang naging ugat ng krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments