Nangako naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at kapulisan na tutulungan nila ang mga nagsisukong tulak at drug users na maipasok sa rehabilitation center para manumbalik ang kanilang normal na pamumuhay.
Umaasa rin ang kapulisan na may susunod pang ibang tulak ng bawal na droga na samantalahin ang inilunsad na programa ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Glen Cilloco, samantala, ang hindi nakilalang killer ay agad na tumakas matapos na isagawa ang krimen bandang alas-9 ng gabi.
May teorya ang pulisya na onsehan sa bawal na droga ang naging ugat ng pamamaslang dahil sa kilalang drug pusher ang biktima sa kanilang barangay. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center si Bienvenido Flores dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-9:45 ng umaga matapos na ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo ang biktima habang naglilinis ng motorsiklo. (Ulat ni Edwin Balasa)
Ang biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya ay itinago sa pangalang Criselda ng Barangay San Josef Norte, samantalang ang suspek na si Dante Pangilinan ay kasalukuyang tinutugis ng pulisya para panagutin sa kasong rape.
Ayon sa ulat ng pulisya, unang naisagawa ang maitim na balak ng suspek laban sa biktima noong Mayo 24, 2003, nasundan noong Hunyo 3 at ang ikatlo ay noong Hulyo 16, 2003. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)