Hindi na nakuhang makapalag pa nina Asiring Suhod, alyas Popong at Salasim Suhod, alyas Jun Lim makaraang palibutan ng militar ang kanilang safehouse sa Barangay Sangboy Island sa nabanggit na bayan.
Ang pagkakadakip sa dalawang bandido ay base sa ipinalabas na warrant of arrest ng 9th Judicial Branch 2 ng Isabela City.
Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng gabi ng isagawa ng pinagsanib na puwersa ng Armys 37th Special Forces Company at Military Intelligence Group (MIG) na salakayin ang pinagkukutaan ng dalawa sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)