Walang buhay na iniwan ng mga rebelde ang bangkay ng mag-asawang sina Fernando, 34 at Virginia Taniola, 36; ang kanilang mga anak na sina Grace, 12; Mary Jane, 7 at Alona, 10.
Himala namang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isa pang anak na si Jemar, 17 makaraang makatakbo papalabas ng kanilang bahay at palihim na kumuble sa madamong lugar.
Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang karumal-dumal na krimen bandang alas-12:30 ng madaling-araw matapos na ratratin ang bahay ng mga biktima.
Hindi na nagising pa ang pamilya Taniola maliban kay Jemar na naalimpungatan bago nakatalon papalabas ng kanilang bahay.
Mabilis namang rumesponde ang mga elemento ng pulis-Salvador at tropa ng militar pero hindi na inabutan ang nagsitakas na mga rebelde.
Sa kasalukuyan ay hindi nabatid ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa pamilya Taniola.(Ulat ni Joy Cantos)