Ang pagkakadiskubre ng plantasyon ng marijuana na pag-aari ni Jamal Gubar ay dalawang araw pa lamang ang nakalilipas matapos na sunugin ang P20 milyon pinatuyong dahon ng marijuana na nasamsam din sa naturang lugar.
Ayon kay P/Senior Supt. Candido Casimiro, intelligence director sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na hindi naman dinatnan ng pulisya ang may-ari ng plantasyon ng marijuana na pinalagay na natunugan bago pa isagawa ang raid.
Dahil sa tulong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at mga lider ng barangay sa Matanog ay nadiskubre ang plantasyon ng marijuana.
Nauna rito ay sinunog na ng mga awtoridad ang 17,000 punong marijuana na nadiuskubre malapit din sa plantasyon ni Gubar na pinaniniwalaang naipakalat na sa Metro Manila ng sindikato dahil sa kakapusan ng shabu. (Ulat ni John Unson)