Vulcanizer nabundol ng kotse habang nagtatrabaho

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Agad na namatay ang isang 20-anyos na vulcanizer matapos itong masagasaan ng isang Mercedez Benz habang naghahangin ng gulong ng isang ten wheeler truck sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Hi-way, Brgy. Anabu 1, Imus, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Allan Ballester, binata. Habang ang driver ng Mercedez Benz (DVD 358) na agad namang naaresto ay si Arcelito Arsus, ng Blk. 20, Lot 14, Regina Ville 2000, Trece Martirez City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng gabi ay kasalukuyang naghahangin ng gulong ang biktima sa gilid ng kalsada nang masagasaan ito ng sasakyan ng suspek. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments