Bus vs motorsiklo: 3 patay

PAMPLONA, Camarines Sur – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ang motorsiklo ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Isidro sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktimang residente ng Barangay Pamukid, San Fernando, Camarines Sur ay nakilalang sina Ricardo Nollora, Arian Montanes at Sandro Ama na pawang magkakasama sa motorsiklo na may plakang EJ-1378.

Samantala, ang driver ng Philtranco bus na may plakang EVJ-758 patungong Maynila ay agad namang tumakas matapos masalpok ang motorsiklo ng mga biktima, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments