2 katao nakuryente

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang makuryente habang gumagawa ng street sign sa Villa Ramirez Subdivision, Barangay Tabon 1, Kawit, Cavite kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Kalayaan Hospital sina Artemio Cataluna, 44, may asawa at residente ng Barangay Pag-asa, Imus, Cavite at Danilo Piamonte, 37 ng Barangay Gawak, Kawit.

Base sa ulat ng pulisya, magkatulong na gumagawa ng street sign sa naturang lugar ang dalawa at lingid sa kanila ay lumaylay ang dulo ng linya ng kuryente sa kalsadang may tubig.

Dito na nakuryente ang dalawa habang nakatapak sa kalsadang basa na dinaluyan ng malakas na boltahe ng kuryente. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments