2 patay sa granada

CAMP CRAME – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang apat naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang pinaglaruang granada sa harap ng tennis court sa Maragusan, Compostella Valley kamakalawa.

Dead on the spot sina Elvie Reston, kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) at Dennis Sabanal, isinugod naman sa Tagum Regional Hospital ang mga sugatang sina P/Insp. Rimas Lambert, PO3 Honorato Tenajora, George Villagonzalo at Ronelo Laput.

Napag-alaman sa ulat ng isinumite sa Camp Crame, pinaglalaruan ni Reston ang hawak na granada at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabitiwan nito kaya sumambulat sa harap ng mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)
Sanggol ni-rape/slay ng adik
GOA, Camarines Sur – Pinaniniwalaang lango sa bawal na droga ang gumahasa at pumatay sa isang anim na buwang sanggol na babae bago iniwan sa labas ng bahay sa Sitio Lik-ak, Barangay Catagbacan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay natagpuan bandang alas-7 ng gabi sa labas ng bahay ng kanyang lolo na si Jamie Combo.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang biktima ay iniwan ng ina sa kanyang lolo dahil sa mamamasukan sa kabilang ibayo at lingid sa matanda na kinuha na pala ng hindi kilalang adik sa bawal na droga ang kanyang apo. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments