Kinumpirma naman ni Ray Sumalipao, Lanao del Norte provincial elections registrar na may mga politikong naghahakot ng mga residente mula sa Iligan City, Lanao del Norte at karatig pook na magpatala bilang lihitimong botante.
Ang mga hinakot na residente ay binayaran ng P300 para magpatala ng kanilang pangalan bilang botante pero hindi residente ng Marawi City.
Ayon sa Comelec, sisimulan ang registration ng botante mula sa 44 barangays sa Iligan City ngayon para ihanda sa darating na eleksyon sa susunod na taon. (Ulat ni Lino Dela Cruz)