3 CPLA minasaker sa Abra

LA TRINIDAD, Benguet – Tatlong miyembro ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na pinaniniwalaang malapit sa alkalde ang iniulat na minasaker ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan matapos na pababain sa sinasakyang pampasaherong dyip ang mga biktima sa kahabaan ng Sitio Lamag, Ramon East, Manabo, Abra noong Martes.

Kinilala ni P/Senior Insp. Allan Campos ang mga biktima na sina Rommel Martinez, alyas Rabas; Hector Rosales, alyas Ka Marlon at Hermi Tubban.

Napag-alaman na ang 264 miyembro ng CPLA kabilang na ang 15 commander ay naging paramilitary at isinama na sa tropa ng militar bilang kasunduan nitong kasalukuyang taon para makipagsagupa sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Diego Wadagan, tagapagsalita ng CPLA na naging katulad ng militar ang mga miyembro ng CPLA na puntirya ng NPA.

Kasalukuyan pang sinisilip ng pulis-Cordillera ang ilang anggulo sa motibo ng krimen.(Ulat ni Artemio Dumlao)

Show comments