NPA na susuko pinatay ng kabaro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang rebeldeng New People’s Army (NPA) ng kanyang mga kabarong rebelde sa Barangay Bulalacao, Caramoran, Catanduanes makaraang matunugang balak magbalik-loob sa pamahalaan ng biktima kamakalawa ng hapon.

Hindi na nasilayan pa ang pagbabagong-buhay ni Anacleto Espiras Jr., 45, alyas Ka Sayong ng Mondragon Eastern Samar matapos na ratratin ng kasamahang rebelde bandang alas-3 ng hapon habang nagpapahinga sa bakanteng bahay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments