Ika-4 brgy. chairman itinumba

COTABATO CITY Isa na namang barangay chairman ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa napatay ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad mag-isa mula sa pamilihang bayan sa lungsod na ito kamakalawa.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at leeg ay nakilalang si Tamano Ali, ng Brgy. Tamontaka 4.

Napag-alaman na si Ali ay masugid na tumutugis sa mga drug pusher at ikaapat na opisyal ng barangay na pinaniniwalaang itinumba ng sindikato ng droga na ang una ay si Bong Florido, sinundan ni Gario Castillon at Charles Quintana. (Ulat ni John Unson)

Show comments