Isa sa rent-a-car suspek timbog

Bumagsak sa mga kamay ng awtoridad ang isa sa rent-a-car suspek makaraang salakayin ang bahay nito sa Angeles City Pampanga kamakalawa ng gabi.

Naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Felicidad "Ising" Crump ng 16-5 Grape St., Henzonville Subd., ng naturang lugar matapos ang operasyon ng mga tauhan ng Task Force Jericho dakong alas-9 ng gabi.

Napag-alaman na si Crump ay sangkot sa napaulat na 144 kotse na tinangay ng sindikato mula sa iba’t ibang rent-a-car firm sa Pampanga.

Nabatid na 21 kotse na ang narerekober ng mga awtoridad matapos na magsagawa ng sunud-sunod na operasyon. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments