Bombero patay sa road mishap

BACACAY, Albay Isang bombero ang iniulat na nasawi makaraang tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo dahil sa pagkakabangga sa naglalakad na sibilyan sa Barangay Hindi sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si SFO1 Henry Cadag, 44, may asawa ay hindi na umabot pa ng buhay sa Ziga Memorial Hospital, samantala, sugatan naman sina Pablo Baral, 33, ng Barangay San Jose Malilipot, Albay at Alwin Balbosa, 19, estudyante na nabundol ng motorsiklong sinasakyan ni Cadag.

May palagay ang pulisya na hindi nakita ng driver na si Baral ang naglalakad na si Balbosa dahil sa madilim ang bahagi na tinatahak nito. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments