Kinilala ni P/Chief Supt. Claudio Cabreros, Region 1 police director ang mga napatay na holdaper na sina Calugan Jimenez ng Upper Burgos, Baguio City; Silvestre Tublan ng Betag LTO, Tablan, Mt. Province; Domingo Cuadla ng Pines Park, Balili LTB, Tablan, Mt. Province; Dante Payca ng Irisan, Purok 2, Baguio City at isa na bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Narekober sa mga holdaper ang apat na baril, mapa ng Rural Bank sa Sta. Barbara, Pangaldan at Malasique, Pangasinan. Nasamsam din ang kulay maroon na FX taxi na may plakang AYG-698, mga dokumento na planong dukutin ang mga anak ng mayayamang negosyante sa Mangaldan at Rosales, Pangasinan.
Ayon kay P/Sr. Supt. Mario Sandiego, police provincial director, bago pa naganap ang shootout ay nakatanggap ang pulisya ng tawag sa telepono tungkol sa namataang FX taxi na lulan ang limang hindi kilalang armadong kalalakihan.
Agad na inalerto ang buong kapulisan sa mga posibleng lusutan ng mga holdaper hanggang sa makorner sa nabanggit na barangay at naganap ang madugong shootout.
May palagay ang pulisya na ang lima ay responsable sa panghoholdap sa Rural Bank sa bayan ng Dasol noong Setyembre, 24, 2002 at nakatangay ng P43,000 sa Sta. Barbara Rural Bank noong Hunyo 17, 2002 na nakakulimbat ng P.5 milyon at sa Pozorrubio Rural Bank noong Hulyo 10, 2002 na nakasikwat naman ng P2 milyon.(Ulat nina Myds Supnad,Joy Cantos at Eva Visperas)