Trader ginilitan saka ninakawan

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Matapos gilitan sa leeg at mapatay ang isang biyudang negosyante ng tatlong mandurugas ay pinagnakawan pa ang biktima na may-ari ng videoke bar sa Barangay Talaba, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Fidela Bautista, 72, ng Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng nasabing barangay, samantala, isa sa tatlong suspek ay nakilalang si Carlito Megenio, 32, ng Barangay Longos, Zapote 5, Bacoor, Cavite at ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni SPO1 Dante Ordoño, nagpanggap na mga kliyente ang tatlo sa videoke bar ng biktima hanggang sa isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments