Notoryus killer napatay ng pulisya

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang notoryus killer at itinuturing na ikalawa sa listahan ng most wanted ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya sa tupadahang sakop ng Barangay Molino, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.

Walang buhay na bumulagta si Rodel Rodriguez, alyas Rodel Sagrado Mangampo, ng Soldiers Hills, Phase 3 ng nasabing barangay.

Ang pangyayari ay naganap bandang alas-10 ng umaga makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Arthur Famini ng Kawit Municipal Trial Court sa kasong pagpatay kay Wilfredo Villanueva.

Imbes na sumuko si Rodriguez ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kaya naganap ang hindi inaasahang pagdating ni kamatayan. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments