2 holdaper patay sa barilan

Dalawa sa apat na holdaper ng negosyanteng Bombay ang iniulat na napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis-Calauan sa kahabaan ng Barangay Imok, Calauan, Laguna kahapon.

Kasalukuyang bineberipika ang mga pangalan ng mga suspek maliban sa narekober na patalim, baril, mga cell phone, cell cards at hindi nabatid na halaga ng pera.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawa pang holdaper na bumiktima kay Harpal Singh, 30 at residente ng Marfuri Subdivison, Barangay Prinza, Calauan, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments