Ayon kay Justice Undersecretary Jose Calida na si Barangay Chairman Rimando Recalde at pamilya nito ay nasa pangangalaga na ng WPP para maseguro ang kaligtasan.
Si Recalde ang positibong nagturo kay Caigas na nambugbog sa ilang residente at opisyal ng barangay sa nasabing lalawigan.
Isiniwalat din ni Recalde na direktang tumatanggap ng kautusan si Caigas mula kay Col. Jovito Palparan, commander ng 204th Brigade ng Phil. Army na unang napaulat na ipinatawag ng Senado tungkol sa pagkakasangkot sa pagpatay sa dalawang aktibista.
Gayunman, inihahanda na ng National Bureau of Investigation ang kaukulang kaso laban kay Caigas na pinaniniwalaang mabibigyang-linaw ang imbestigasyon sa pagdukot at pagpatay kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. (Ulat ni Grace dela Cruz)