Ang pagsalakay ay base sa ipinalabas na search warrant ni Judge Edgardo Lloren ng Misamis Oriental Regional Trial Court na may petsang Hunyo 19, 2003.
Ayon kay NBI supervising agent Alex Cabornay, ang limbagan ng pekeng P 1,000 at P500 ay ginagawa sa Computerun, isang computer shop na matatagpuan sa Toribio Chaves Street sa naturang lalawigan.
Bukod sa nakumpiskang pekeng P92,000 na binubuo ng P1,000 at P500 na magkakapareho ang serial number ay narekober din ang mga pekeng identification card ng Social Security System at lisensya na may tatak na Land Transportation Office (LTO).
Inamin naman ng may-ari ng computer shop na si Robert dela Cerna Jr. na nilimbag niya ang pekeng pera sa kautusan na rin ng mga operatiba ng NBI para gamitin bilang ebidensya sa korte.
Salungat naman sa sinabi pa ni dela Cerna na binayaran siya ng P30,000 ng nagngangalang "Boyet", isang security gaurd sa night club para sa 60 pirasong pekeng P1,000 at P500 na gagamitin sa Marawi City sa darating na 2004 eleksyon. (Ulat ni Bong D. Fabe)