Sa ulat na isinumite kay NBI Director Reynaldo Wycoco, armado ng search warrant na inisyu ni San Pablo Regional Trial Court Judge Gregorio Villanueva ng Branch 30 ang mga operatiba ng NBI nang salakayin ang ilang establisimiyento sa nasabing bayan.
Nakumpiska ang 223 computer na kargado ng walang lisensyang software mula sa mga kompanyang Symantec, Adobe, Autodesk at Macromedia na pawang nakabase sa USA.
Base sa ulat ng NBI, milyong dolyares ang nawawala sa mga nagreklamong kompanya kaya nagsagawa agad nang paniniktik ang mga tauhan ng Intellectual Property Rights Division ng NBI makaraang may makuhang impormasyon sa kinalalagyan ng mga walang lisensyang computer software. (Ulat ni Danilo Garcia)