Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Evelyn Navelgas, 50, anak na si Deocelyn, 10 at apong si Dionesio Ganzaga, tatlong taong gulang.
Samantala, ginagamot naman sa ospital sina Dominador Navelgas, 60 at isa pang apo na si Occiber na nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang landslide bandang alas-2 ng madaling-araw dahil sa patuloy na bumubuhos ang ulan.
Dahil sa mahimbing na natutulog ang mga nasawing biktima kaya hindi namalayang gumuho ang lupang nasa itaas ng bundok pero nakuhang makalabas ng bahay ni Dominador bitbit ang kanyang apo na si Occiber. (Ulat ni Joy Cantos)