Ex-pulis tinangkang sunugin ang sariling bahay

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinaniniwalaang hindi na matagalan ang sakit kaya tinangka ng dating pulis na sunugin ang sariling bahay para magpakamatay, kahapon ng umaga sa Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.

Agad namang naapula ang pagkalat ng apoy sa bahay ni dating PO2 Jaime Anciento Cabangal, 43, may asawa, ng EM’s Barrio sa nasabing lugar.

May ilang oras ding nakipagnegosasyon ang mga elemento ng pulisya para lumabas ng nasunog na bahay si Cabangal na may hawak na patalim.

Maagap naman ang pulisya na mailabas mula sa kanyang bahay si Cabangal saka dinala sa UMC Hospital.

Hindi naman nabatid ng pulisya ang dahilan kung bakit nag-iisa si Cabangal sa kanyang bahay na pinalalagay na iniwan ng kanyang pamilya at aabot sa P.3-milyoing ari-arian ang tinupok ng apoy. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments