50 motorsiklo sa Bulacan kinumpiska

PLARIDEL, Bulacan – Umaabot sa 50 motorsiklo na tumatakbo at pinaniniwalaang walang kaukulang papeles ang iniulat na kinumpiska ng mga tauhan ni P/ Supt. George Torcuator sa bayang ito kamakalawa.

Ayon kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio, Bulacan police director, ang pagkakakumpiska sa mga motorsiklo ay kampanya laban sa mga kinarnap na motorsiklo na ginagamit ng mga masasamang elemento sa nasabing bayan.

Sinabi ni Serapio na maaari lamang makuha ng sinumang may-ari ng motorsiklo kapag nakapagpakita sila ng kaukulang dokumento. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments