Staff ni Sen. Osmeña patay sa ambush

Tinambangan at napatay ang isang staff ni Senator Serge Osmeña ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay lulan ng traysikel sa kahabaan ng Barangay del Remedio, San Pablo City kamakalawa.

Ang biktimang si Rowena Brion, 39 ay kilalang suporter ni Sen. Osmeña ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na harangin ng dalawang bayarang mamamatay-tao bandang alas-4 ng hapon, ayon sa pulisya.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong grupo ng illegal gambling ang nasa likod ng pamamaslang. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments