Ang suspek na si Julio Col-ing, 39 ng Baguio City ay inaresto sa Puerto Princesa, Palawan, samantala, sina Domingo Lagadan, 23; Teddy Castro, 26 at Lito Diego, 31, ng Barangay Pagkilan, Batangas ay nasakote sa Pier 2, North Harbor, Manila ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Michael Garraez.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga supek ay responsable sa panloloob sa bahay-sanglaan na pag-aari ni Bobby Castro na matatagpuan sa Narrazid Rd., Brookespoint, Palawan at nandugas ng mga nakasanlang alahas na nagkakahalaga ng P1.5 milyon at P43,000.
Sa isinasagawang follow-up operation, unang nadakip si Col-ing kaya naituro ang tatlo niyang kasama na sumakay ng barko patungong Maynila. (Ulat ni Ed Amoroso)