Sa ika-17 taong anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay aabot sa 5,648 ektaryang lupaing pangsakahan sa Rizal at Laguna ang ipinamahagi.
Sa pangunguna nina DAR Sec. Roberto "Obet" Pagdanganan; Region 4 Director Dominador B. Andres at mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Aabot sa 485 na magsasaka sa Pililla, Rizal ang makikinabang, samantala, 228 magsasaka naman sa Sta. Cruz, Laguna ang maaambunan ng benepisyo ng CARP.
Sa pahayag ni DAR Secretary Pagdanganan na magbibigay ng scholarship sa mga anak ng mga magsasaka at patatagin ang kooperatiba para umunlad ang kabuhayan ng bansa sa larangan ng agrikultura. (Ulat ni Lordeth Bonilla)