Magsasaka napagtripang patayin ng 3 senglot

PANDAN, Catanduanes – Napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 37-anyos na magsasaka ng tatlong senglot na lalaki habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Purot sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Walang buhay na iniwan ang biktimang si Nestor Fernandez, samantala, tinutugis naman ang mga suspek na sina Edison de Leon, 23; Michael Libantino, 25; at Efren Caballero, 28, na pawang residente ng nabanggit na barangay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments