Totoy hulog sa bukas na imburnal, patay

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Isang siyam na taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa bukas na imburnal habang hinahabol ng biktima ang nanginginaing bibe sa Barangay Panabingan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Tinangkang sagipin ang biktimang si Raymart Salvador ngunit hindi nagawa dahil tuluyang nilamon ng tubig mula sa malalim na kanal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis-San Antonio, magkasamang naglalaro ang biktima sa tubig-baha at kanyang kalaro sa naturang lugar nang mamataan ang mga nanginginaing bibe kaya nagkaisang habulin ito.

Hindi naman akalain ng biktima na may nakabukas na imburnal sa nabanggit na lugar at tuluyang nahulog bago pa makasaklolo ang kanyang tatay na si Manuel. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments