2 eskwelahan nasunog

CAMP CRAME – Umaabot sa P6.5-milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang aksidenteng masunog ang ilang gusali sa University of Southern Mindanao, Kabacan, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat, naitala ang sunog bandang alas-4 ng hapon sa dalawang gusali ng College of Education sa compound ng USM saka kumalat sa kalapit na gusali hanggang sa matupok ang mga computer, aircon at iba’t ibang mahahalagang gamit sa eskuwelahan.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pangyayari dahil na rin sa maagap na responde ng mga pamatay-sunog.

Samantala, aabot naman sa P1.5-milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang San Gabriel Elementary School sa General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng hapon. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina G. Timbang)

Show comments