Kinilala ang biktima na si Rogelio Desonia, 54-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang barangay.
Sa ulat ng pulisya, ang bangkay ni Desonia ay natagpuan dakong alas-6 ng gabi ng mga opisyal ng barangay na naghahanap sa biktima matapos na mapaulat na dinukot ito ng mga rebelde sa bahay ng kanyang ina kamakalawa dakong alas-6 ng umaga.
Ayon sa salaysay ng pamilya ng biktima, anim na armadong lalaki na nagpakilalang miyembro ng NPA ang kumaladkad sa biktima patungo sa isang plantasyon ng niyog kung saan doon ito tinorture, pinaslang at saka inilibing na nakalitaw pa ang kalahati ng katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon na dinukot ang biktima sa hinalang asset ito ng militar na nagbibigay ng impormasyon sa mga aktibidad ng mga rebelde sa nasabing bayan.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang kaso upang madakip ang mga salarin. (Ulat ni Ed Casulla)