ANTIPOLO CITY Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng Antipolo City Regional Trial Court sa isang drug lord makaraang makumpiskahan ng kalahating kilong shabu sa kanyang sasakyan noong Marso 1997.
Bukod sa hatol ni RTC Judge Felix Caballes kay Bernardo Tuazon ay pinagbabayad din ito ng P.5-milyon.
Base sa record ng korte, may ilang linggo ring tiniktikan si Tuazon bago arestuhin nina PO1 Glenn Bueno at PO1 Manuel Padlan.
(Gemma Amargo) CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nag-suicide ang isang 73-anyos na lolo sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay San Nicolas 1, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.
Ayon kay PO2 Jo Patambang, walang iniwang suicide note nang madiskubre bandang alas-4 ng hapon ang bangkay ng biktimang si Meliton Buenaobra ng Block F-13 Lot 7 ng nabanggit na barangay.
(Cristina G. Timbang) SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija Isang 23-anyos na ice cream vendor ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay habang ang biktima ay nagmomotorsiklo kaangkas ang kaibigan sa Barangay Pandalla ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos kay Marcelo Parcuilles, samantala, agad namang tumakas ang suspek na si Nowel Maclang sakay din ng motorsiklo matapos isagawa ang krimen dakong alas-3 ng hapon.
(Christian Ryan Sta. Ana) Kawal tinodassa videoke bar |
CAMP CRAME Pinaniniwalaang matinding galit ang umiral kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kawal ng Phil. Army ng nakaalitang sibilyan habang ang biktima ay papalabas ng videoke bar sa gate ng Ecoland Terminal, Davao City kamakalawa ng madaling-araw.
Si Lt. Elmer Lamer, radioman ng 7th Special Forces Company ay idineklarang patay sa Davao Doctors Hospital, samantala, agad namang naaresto ang suspek na si Joseph Edgar, 42, ng Diamond Eagle St., Ecoland, Davao City.
(Joy Cantos)