Ang biktimang si Bernardo Gomez, 50, ay niratrat ng dalawang nakamotorsiklo bandang alas-8 ng umaga habang patungo sa regular session ng Sangguniang Bayan.
Nakarekober naman ang pulisya ng mga basyo ng armalite sa pinangyarihan ng krimen.
Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo ang naganap na pananambang kay Gomez.
Sinabi ni P/Supt. Rodolfo Magtibay, si Gomez ay ikatlong opisyal na napatay simula noong Marso 2003.
Unang pinatay si Rolando Meer, Sangguniang Bayan secretary noong Marso 14, 2003 sa harap ng kanyang bahay sa Sto. Tomas, Batangas.
Noong Abril 24, 2003 ay pinagbabaril hanggang sa mapatay si Talisay Councilor Rene Eugenio sa Tanauan City at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolba ang kaso ng dalawa. (Ulat ni Arnell Ozaeta)