Rehabilitasyon sa Cotabato hinahadlangan ng MILF

CAMP AGUINALDO – Patuloy na hinahadlangan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang pagsulong ng kaunlaran sa Cotabato makaraang bombahin ang detachment ng Army’s Engineering Brigade na naatasang magsagawa ng rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng giyera.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, ang 534th Engineering Company ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Poblacion, Tulunan, Cotabato, ang inatasan ni Army chief Lt. General Gregorio Camiling na magsagawa ng rehabilitasyon, ngunit pinaulanan ng rocket ng mga rebelde.

Gumanti naman ang tropa ng militar at tumagal ng 20 minutos ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa kagubatang sakop ng Barangay Galidan

Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng militar bagama’t nagkaroon ng matinding tensyon ang mga residente sa palibot ng naturang kampo. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments