Sa isinumiteng ulat ni Customs Police District Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, sasampahan ng kasong kriminal ang naturang Aleman dahil sa paglabag nito sa ilalim ng anti-smuggling law dahil sa pagpupuslit ng dalawang imported na BMW car kamakailan.
Ayon kay Manuel, napag-alaman na ginamitan ng mga pekeng dokumento, LTO plate no. na CTC-606 at CTC-676 at SBMA pass sticker na kapwa ikinabit sa dalawang sasakyan nang ipuslit sa Subic Freeport ni Wermer at isa nitong kaibigang Aleman sa yarda ng Global International (Subic) Phils. Corp. (GIPC) sa Lot 2 Boton Hiway, Subic Bay Freeport Zone.
Bunga nito, nakipag-ugnayan na ang Subic Customs Police sa PNP-Traffic Management Group upang marekober muli ang dalawang naipuslit na sasakyan na pinaniniwalaang nasa isang lugar sa lalawigan ng Tarlac.
Kasabay na nagpalabas ng warrant of seizure and detention si Subic Customs Collector (OIC) Andres Salvacion upang kumpiskahin ang apat pang unit ng BMW na pag-aari ni Wermer dahil sa pawang mga misdeclaration at fraudulent" ang mga isinumiteng dokumento nito.
Unang dumating sa Port of Subic ang mga smuggled imported vehicle ni Wermer noong Marso 14, 2003 lulan ng barkong Sofie Maersk V. (Ulat ni Jeff Tombado)