Binistay ng bala ng baril si Sixto Atienza, 44, may asawa, ng mga rebelde dahil na rin sa pagsuporta nito sa pakikibaka laban sa makakaliwang kilusan.
Naitala ng pulisya ang pananambang bandang ala-1 ng madaling-araw matapos ang singing contest sa kanilang barangay.
Karamihang nakasaksi sa pangyayari ay nakarinig na sumigaw ang mga hindi kilalang armadong lalaki na "mga NPA kami, huwag kayong makikialam," bago palakad na lumisan na animoy walang nangyari. (Ulat ni Danilo Garcia)